wag mo kong sanayin
na kunin
galing sa yo
ang mga bagay
na alam mong
hindi mo maibibigay
mula ngayon
hanggang sa kahuli-hulihan
magalak
magbunyi
magpakaligaya
ayokong maramdaman ang mga yan
kung panandalian lang
walang katumbas na saya
ang nadarama pag pinansin mo na
pag pinag- lalaanan mo na ng oras
pag pinara- ramdaman mo na ng halaga
itong katauhan kong
naghahanap ng importansya
wag mo kong sanayin
na kunin
galing sa yo
ang mga bagay
na alam mong
hindi mo maibibigay
mula ngayon
hanggang sa kahuli-hulihan
ayokong dumating ang isang araw
na makikita ko ang sarili kong luhaan
at ang tanging maisasambit lang ay:
"sinanay mo kasi ako ng ganito,
paano na ngayon ako na wala na ang mga ito?"
kaya wag na lang kaya
maaring iwan mo na ang ideyang
lumapit pa
kung isang araw ay
bigla biglaan ka rin lang lilisan
wag mo kong sanayin
na maangkin
galing sa yo
ang mga bagay
na alam mong
hindi mo maibibigay
mula ngayon
hanggang sa kahuli-hulihan
masarap damhin ang atensyon,
ang oras ng isang tapong espesyal sa yo
masarap malamang me nag-iisip sa yo
masarap masanay sa lahat ng 'to
ngunit marapat lang na hindi ko tanggapin
ang presensya mo
alam kong walang permanente dito sa mundo
pero kung di ka rin lang magtatagal
maari bang ngayon pa lang
ikaw na ay yumao?
ngayon pa lang ako na'y paulit- ulit na nagsusumao:
wag mo kong sanayin
na maangkin
galing sa yo
ang mga bagay
na alam mong
hindi mo maibibigay
mula ngayon
hanggang sa kahuli-hulihan
(written last October 26, 2010, 244 PM for Ivan)
Blog entries are owned and copyrighted by Leah Bulacan © All Rights Reserved 2011. Unauthorized use, copy, editing, reproduction, publication, duplication and distribution of the blog content, without author's explicit permission, is punishable by Law.
No comments:
Post a Comment