ang babayarin mo sa starbucks, sobra pa sa pangkain ng isang maralita sa isang araw, ang tatlong libo’y pambili na sana ng gamot para sa tubercolosis ng aleng nakatira sa squatters area na pinagwawalang- bahala na lang ang karamdaman dahil wala siyang pera, ni walang makain sa isang araw, ang pamasahe mo papuntang Hong Kong para mag liw-aliw ay sapat na para makapag-pagawa ng bahay ang isang pamilyang nasalanta ng bagyo.
ang sarap siguro maging mayaman. marahil ay naiisip din nila ang sitwasyon ng mga maralita, naaawa din siguro sila. pero hindi naman sila pwedeng mamuhay dukha para lang maipakita ang kanilang simpatiya. sinong tangang mayaman ang titipirin ang sarili dahil sa guilt na nadarama sa hindi pagka-pantay pantay ng distribusyon ng yaman sa tao? ni hindi rin natin sila mapipilit na maging pilantropo, pera nila ‘yon eh, silang mag- dedecide kung sa’n ito gagastusin.
nakakadismaya. lalong humihirap ang mga taong naghihikahos sa buhay, habang padami ng padami naman ang binibilang na salapi ng mga taong ‘mas pinagpala.’
sana fairytale na lang ito, sana’y magkaroon ng kontribyusyon ang lahat ng mayayaman sa Pilipinas para sa kapakanan ng mga maralita. happy ending? malabo.
may mga pilantropo naman, pero ang ilan sa kanila, ginagawa ‘yon para lalong bumango ang kanilang pangalan, para maalala sila ng mga botante sa eleksyon, samakatuwid, para lokohin ang mga tao. ang gagastusin ng mga taong yan para sa ika nila’y charity, mababawi nila kung naluklok na sila. ang dali lang namang magnakaw mula sa pondo ng bayan, ang dami nang gumagawa no’n, political figure man o hindi.
may pag-asa pa tayo.
may pag-asa pa rin naman tayo kahit na tayo ang pumapasan sa lumobong utang ng namahingang diktador. ganyan naman ang nangyayari eh, kasalanang ng isa, lahat mapaparusahan. para ka na ring nag-train para maging sundalo, magkakasala si Pepe at kayong lahat ang papasan nito, pagagawan kayo ng thesis, individual, haha. akala mo nakatakas ka na sa gawaing pang- eskwela.
para nga tayong mga trainee soldiers, pinahihirapan tayo ng mga nakatataas sa atin. buti pa nga ang mga OCS may papupuntahan ang paghihirap nila sa kampo, eh tayo? naghihirap tayo dahil sa korupsyon, pagiging makasarili ng mga taong dapat ay tinitingala natin, anung resulta? lalo tayong maghihirap, hanggang sa masanay na tayo sa kahirapan at dina mag-asam pang bumangon. pinapatay ‘nila’ ang pangarap ng maga tao, ninanakaw nila ang kakaramput na pag-asang nais pa sana nilang lumago.
sa kabila ng pagkahapo sa bayang tila palubog na, may pag-asa pa rin tayo. nakawin man ‘nila’ ito, bibigyan tayo ng Diyos ng panibagong pag-asa, at hindi na ‘nila’ ito mananakaw pa.
Blog entries are owned and copyrighted by Leah Bulacan © All Rights Reserved 2010. Unauthorized use, copy, editing, reproduction, publication, duplication and distribution of the blog content, without his explicit permission, is punishable by Law.
No comments:
Post a Comment